Mag-invest sa Sarili

Huwag sasabak sa anumang giyera na walang dalang bala.

Sa pinap­lanong negos­yo o anong gagawin sa darating na taon, mabuting mag-invest sa sarili. Kung kinakaila­ngan mag-aral ay huwag mag-atubiling mag-enroll.

Hindi pa huli ang lahat para bumalik sa eskuwela para ma-equip at ma-update ang sarili sa mahigpit na labanan ngayon. Bumili ng libro, magbasa, o mag-surf sa website at aralin ang lahat ng function at skills para maunawan ang papasuking business. Makatutulong ang mga workshop, seminar, at training courses para ma-master ang mga proseso ng pag-aaral.

Walang katapusan ang pag-aaral at pagkakatuto para ma-improve ang sarili; para maging effective sa hinaharap na pangarap.

Show comments