20 Kamalian sa Pangangalaga sa Buhok

(Last Part)

9-Laging hinuhugasan ang buhok. Tama lang ang 3x a week.

10-Mainit ang tubig na ipinangbabanlaw ng buhok.

11-Sobrang madiin ang pressure kapag minamasahe ang anit.

12-Mainipin sa paggamit ng conditioner kaya ang tendency ay banlawan kaagad ang buhok. Hayaang nakababad ang buhok sa conditioner ng 5 to 7 minutes at saka banlawan. Ang papahiran ng conditioner ay bandang mid-shaft hanggang dulo ng buhok. Huwag lalagyan ng conditioner ang root ng buhok.

13-Hindi hinuhugasan ang suklay at brush.

14-Sa high temperature naka-set ang blower.

15-Kung mahaba ang buhok, unti-unti dapat ang gawing pagsusuklay. Iwasan ang pagsuklay nang isang todong stroke mula roots hanggang ibaba.

16-Sobra ang dami ng shampoo na inilalagay sa buhok. Coin-sized amount ang tamang gamitin.

17-Matagal na naka-expose ang buhok sa sinag ng araw.

18-Sulfate free dapat ang shampoo.

19-Tumutulo ang buhok kapag nag-aplay ng conditioner. Pigain muna ito bago pahiran ng conditioner.

20-Tigilan ang pagbunot ng white hair kung marami na ito, sa halip, kulayan ito.

Show comments