Wireless Printer

Kung nag-iisip ng regalo na may personal touch, maganda ang naisip ng Canon sa handog ang Pixma MG6320 ang wireless all-in-one printer.

Hindi lang kasi ang tradisyonal na document ang puwedeng i-print, kundi pinaganda pa ng Canon ang gamit nito dahil puwede nang mag-print ng mga magagandang photos. Hindi na kailangan ma-hassle kung gustong ipa-develop ang mga moment pictures ng pamilya at kaibigan. Mismo sa sariling bahay o opisina ay puwede nang i-print. I-connect lang sa printer, ilang minuto lang nasa kamay na ang magagandang pictures. Puwede na itong gawan ng sariling design, magic, at style na ireregalo sa loved ones.

Huwag mag-alala dahil mataas ang resolution ng printer na 9800 x 2400 dpi sa documents o graphics na ipi-print sa bagong item ng Canon na multifunction na printer.

Show comments