Walang manliligaw

Dear Vanezza,

Ako po si Benie, 25. Wala pa po akong boyfriend. May pagkamahiyain po kasi ako. Hindi ako marunong mag-entertain ng manliligaw. Naiinggit ako sa mga kabigan ko dahil may mga bf na sila at lapitin pa ng mga boys. Katunayan ako po nga mismo ang nahihiya kapag nilalapitan ng manliligaw. Ano po ba ang paraan para lumakas ang appeal ko? Salamat po & more power.

Dear Benie,

Sa palagay ko hindi kawalan ng sex appeal ang problema mo kundi naiinip at  naiinggit ka sa mga kaibigan mo. Lakasan mo ang iyong loob dahil walang mangyayari sa ‘yo kung hindi ka mag-entertain ng manliligaw. Kung hindi mo aalisin ang pagkamahiyain mo, baka tuluyan kang tumandang dalaga. Alalahanim mo na may mga lalaking hindi magagandang babae ang hanap, kundi ang kabutihan nito. Kasi, kadalasan sa mga lalaki, mas tinitingnan ang panloob na ugali at hindi ang panlabas na anyo na kumukupas sa paglipas ng panahon. Maghintay ka at tiyak kong may tamang lalaki na nababagay sa ‘yo. Higit sa lahat ‘wag mainip at maghintay ng tamang lalaki na nagugustuhan mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

 

Show comments