Hinahabol ng Pulubi

Panaginip: Ano ang ibig sabihin na may humahabol sa aking pulubi? Madilim ang paligid kaya hindi ako makatakbo nang mabilis? Pangalawa kong panaginip ay nakikita ko ang aking sarili na nakahiga sa kama. May pakiramdam ako na nakalutang sa hangin. - Hopia

Interpretation: Ang pulubi ay sinisimbolo ng kahirapan at mga problema mo sa buhay. May problema kang tinatakasan sa kasalukuyan. Sa pangalawa mong panaginip, totoo ang nangyari na nakita mo ang iyong sarili na nakahiga sa kama. Hindi ‘yun panaginip. Pansamantalang humiwalay sa iyong katawan ang iyong spirit ngunit  kaagad din itong bumalik sa iyong katawan. Ang tawag sa nangyari sa iyo ay astral projection.

Show comments