Nabuntis ang bestfriend, hindi ang GF niya

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa alyas Robin, 25 years old, single. May gf ako na mahal na mahal ko. Pero noong umabot na ng 3 -yrs. ang aming relasyon, nagkita kami muli ng bestfriend ko sa college. Walang akong love sa girl na ito pero malakas ang sexual attraction niya sa akin. Nagkaroon ako ng relasyon sa kanya at sa kasamaang palad, siya ay nabuntis. Sa first gf ko ay wala pang nangyari sa amin cause I respect her. Malaking problema ko ito ngayon dahil niyayaya ako ng bestfriend ko na magpakasal. Pagagalitan daw siya ng kanyang mga magulang. Walang kamalay-malay ang first gf ko at hindi ko masabi sa kanya dahil ayokong masaktan siya. Ano ang gagawin ko?

Dear Robin,

Bagamat may kalayaan ang tao na gawin ang lahat ng gusto niya, dapat siyang maging matapang sa pagharap sa ano mang bunga ng kanyang ginawa. Mabuti man o masama. Nagkamali ka, dapat mo itong panagutan. Ngayon pa lang ay mag-ipon ka na ng lakas ng loob na ipagtapat sa tunay mong gf dahil malalaman din niya ‘yan. Pag-isipan mong mabuti at gumawa ng desisyon na hindi mo pagsisisihan sa dakong huli.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments