Pampa-Good Luck sa Main Door (3)

Kung ang pintuan ay nakaharap sa NORTHEAST, nagkakaroon ang mga residente ng suwerte sa pag-aaral. Lahat ng tao sa bahay ay nagiging matalas ang pag-iisip o sinusuwerteng makapasa sa mga pagsusulit. Maglagay ng maliwanag na ilaw sa itaas ng pintuan.

Kung ang pintuan ay nakaharap sa NORTHWEST, ang ibinibigay nitong suwerte ay sa pa­ngingibang bansa. Magsabit ng windchime or bell (kagaya ng nasa larawan) sa kisame, katapat ng pintuan. Hindi ito dapat masasagasaan ng ulo ng pinakamatangkad na residente. Magdispley din ng halaman sa magkabilang gilid. Itutuloy

Show comments