Island of the Undead 37

NAGBABANTA nga sa mag-asawang plastic surgeons si Reyna Coreana. “Papatayin ko kayo kapag hindi n’yo ako napaganda!”

Lihim na nagngingitngit  ang mag-asawang surgeons, hindi masabi sa super-pangit na lider ng Undead na kakailanganin ang himala sa walang katulad ang kapangitan!

May hawak na napakatalas na sundang si Reyna  Coreana.  “Kaya ba ninyo o hindi?”

Kung mapapaganda nga raw ng mag-asawang Larry at Joanne ang reyna; na gawing beautiful ang ugliest creature on the planet?

“K-kaya po namin!” sagot agad ni Doctor Larry.  Hindi niya puwedeng sabihing hindi puwede.

Nais pa nila ni Doctor Joanne na makabalik sa kabihasnan, sa piling ng maliliit pang anak.

May narinig ang reyna habang ihinahanda ng dalawang surgeons ang mga surgical instruments.

“Kumakanta ka ba nang mahina, Doc?”

Napalunok si Doc, pati pag-hum  ay bawal sa  isla? (ITUTULOY)

 

 

Show comments