Pampa-good luck sa lilipatang bahay

Rice and Salt Ritual ang ginagawa ng mga Chinese kapag sila ay bagong lipat sa isang bahay o opisina. Importante ito upang makaseguro na mapaaalis nila ang negative energy at maakit na manatili sa bahay ang good energy.  

Paraan ng Paggawa ng Rice/Salt Mixture: Pag­haluin ang 1 part na asin at 1 part na bigas. Depende sa lawak ng bahay at opisina ang gagawin mong rice-salt mixture. Ang asin ay dapat na bagong bili.

Pagsabog ng mixture sa labas ng bahay. Unti-unting isabog sa labas ng bahay/opisina ang rice-salt mixture habang umiikot ka ng clockwise, kagaya ng arrow sa illustration. Magpatunog ng bell o magsindi ng incense habang nagsasabog ng mixture.

Pagsabog ng mixture sa loob ng bahay. Isa-isahing libutin  ang mga kuwarto nang clockwise habang isinasabog ang mixture.

Show comments