Ligtas na pag-aayuno (last)

Kung ikaw ay hindi dumaranas ng mga kundisyon na nabanggit naririto ang ilang mga gabay sa ligtas na pag-aayuno.

 Hindi kailangang mag-ayuno ng ilang araw para lang pumayat. Ang pagliban sa pagkain bawat araw hindi maggagarantiya na ito ay makakabawas ng tamang timbang na gusto mong mabawas. Ang pag-aayuno ng 20 oras ay sapat na para maging maayos ang insulin sensiti­vity at iba pang metabolic functions. Hindi nire­rekomenda na mag-ayuno ng higit sa 36 oras.

 Ang pag-aayuno sa Ramadan ay kasama ang hindi pag-inom ng tubig sa buong araw. Maaaring maging sanhi ng dehydration ang ganitong uri ng pag-aayuno kung hindi man lang kaya ng katawan at walang permiso galing sa mga doctor ay limitahan na lang ang ginagawang pag-aayuno.

Ang pag-eehersisyo kagaya ng pagtakbo, pag­langoy at iba pa ay lubhang mapanganib habang nag-aayuno. 

Aayuno. Dapat na pagpapaplano sa pag-aayuno upang maiwasan ang ano mang kahamakan sa kalusugan.

 Bigyan ang sarili na makapagpahinga upang mapawi ang mga nawalang lakas dulot ng pag-aayuno. Tandaan lahat ng sobra ay hindi nagdudulot ng mabuti.  

 

Show comments