Binuhusan ng Kanin-Baboy

Panaginip: Hinabol ako ng taong grasa. Naisip kong pumasok sa mall para doon magtago. Kaso  hinarangan ako ng guwardiya kaya nahagip nito ang aking buhok. Sinipa ako ng taong grasa at binuhusan ng kanin-baboy na hawak niya. Umalis itong tumatawa. Walang tumulong sa akin. Awang-awa ako sa aking sarili.---Dina G. of Rosario Batangas

Interpretation: Ang taong grasa sa iyong pana­ginip ay simbolo ng isang taong kinasusuklaman mo at nais mawala sa iyong buhay. Puwede rin ang taong grasa ay sinisimbolo ng mga bagay na iniaayaw mo sa iyong sarili.

Show comments