Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na 90 porsiyento ng mga allergies sa buong mundo ay nagmumula sa mga pagkaing gaya ng  gatas, itlog, mani, isda, shellfish at wheat? Noong 1957 unang ipinakilala ang paggamit ng aluminum. Umaabot sa 90 milyong aluminum ang ginagawa ng mga manufacturer nito ngunit kalahati lang nito ang nagagamit at ang natitira ay inire-recycle na lang. Ang pamangkin ni Napoleon Bonaparte ay mayroong laruan na “kleng, kleng” o rattle  at ito ay gawa sa aluminum. Sa kanilang panahon ang metal na ito ay hindi kayang bilhin ng isang ordinaryong tao. Ang Royal Crown Cola ang unang nagpakilala ng “soft drink” in can noong 1964.

Show comments