Feng shui tips

Last part

5--Sa career: Maglagay ng aquarium sa north kung saan ang ilalaman ay 8 na red fish at isang black fish. Kung marami kang pera, 9 arowana ang ilagay.

6--Sa career: Maglagay sa north ng fountain na may dragon at crystal ball na umiikot.

7--Huwag maglalagay ng tigreng tattoo sa likod. Sa ayaw at sa gusto mo  ay may darating na tao sa iyong buhay upang saktan ka.

8--Magdispley ng family picture sa Northwest kung saan ang ama ay pinaliligiran ng ina at mga anak. Siguruhin din na mukhang masaya ang lahat ng nasa picture. Ito ang magsisilbing paalaala sa ama ng tahanan na hindi siya dapat makalimot anumang tukso ang lumapit sa kanya na siya ay may asawa at mga anak.

9--Iwasang maglagay ng nude photo o painting ng babae sa Northwest dahil ang epekto nito ay pangangaliwa ng ama ng tahanan.

10--Magiging magulo ang pagsasama ng mag-asawa kung nasa Northwest ang toilet, garahe o bodegang tambakan ng lumang gamit.

 

Show comments