Horoscope Base sa Time of Birth (5)

Kung ang Birth Month mo ay SEPTEMBER, OCTOBER AT NOVEMBER at ang time of birth mo ay:

11 PM to 1 AM—Yayaman ka pagsapit ng middle age: 45 to 65. Lagi kang susuportahan ng iyong mga kapatid, lalo na ang kapatid na lalaki. Ang mga kaibigang matatagpuan ay genuine friends.

1 AM to 3 AM—Ang magandang kapalaran na makakamtan ay magmumula sa pangingibang bansa. Sa abroad mo makikilala ang mga taong magiging tulay ng iyong pagyaman. May mala­king pakinabang na makakamtan kung mag-aaral o magtatrabaho sa abroad.

3 AM to 5 AM—Sa panahon ng kanyang kabataan ay maghihirap ngunit pagsapit ng kanyang senior years, 65 pataas, ay makakamit niya ang ginhawa. Ang kanyang pag-asenso ay depende pa rin sa pagsisikap na ginawa niya noong kanyang kabataan.

5 AM to 7 AM—Magiging magaan ang daloy ng magandang suwerte sa middle age: 45 to 65. Ang mga anak mong lalaki at apong lalaki ang magbibigay sa iyo ng kaligayahan at isang magandang buhay. Makakamit ang magandang suwerte kung mag-aasawa sa edad na 20 to 29. Itutuloy

Show comments