Alam n’yo ba? Alam

Alam n’yo ba na noong unang panahon sa Rome, ang mga babaeng ikakasal ay nagdadala ng iba’t ibang uri ng dahon kung saan sumi­simbolo ito ng pagkakaroon ng anak at pagiging matapat sa asawa at higit sa lahat ay pantaboy ng masamang espiritu. Ang pinakamatandang bride naman sa Australia ay may edad na 102-taong gulang habang ang kanyang mister naman ay may edad na 83-anyos. Ikinasal sila noong Mayo 31, 1991. Ang bride na nakapagsuot ng pinakamahabang wedding gown sa buong mundo ay isang 25-anyos na Chinese mula sa Zhao Peng, China, nang siya ay ikasal noong Agosto 6,2009. Ang kanyang gown ay may haba na 162 metro na tinahi sa kamay ng pamilya ng kanyang magiging mister. Dinisenyuhan ito ng 9,999 na pulang rosas na gawa naman sa silk.

Show comments