Nagkamali ng ‘tinukso’

Dear Vanezza,

Ako po ay dalaga at nagtatrabaho sa factory. May type akong lalaki sa office namin. Mabait at good looking siya kaya lang may asawa na. Close naman kami kaya inisip ko na magparamdam sa kanya. Habang kumakain kami, sinabi ko sa kanya na gusto ko siya. Nagulat siya at sumagot siya na sorry, wrong number. Hindi na raw siya available. Syempre nasaktan ako. Mula noon ay iniwasan na niya ako at hindi na rin siya sumasabay sa akin sa pagkain. Humingi na ako ng sorry sa kanya at sabi ko okey lang kung ayaw niya sa akin. Pero ganun pa rin siya. Hindi na tulad ng dati. Ano ang gagawin ko?-Juvy

Dear Juvy,

Nagkamali ka ng lalaking “tinukso”. Maaring hindi ka niya type o talagang hindi siya ang tipo ng lalaking magloloko sa asawa. Kaya huwag mo nang piliting magbalik ang dati ninyong closeness at baka bumigay na siya sa bandang huli. Hindi maganda para sa isang babae na maging home breaker. He is happily married so let it remain that way. ‘Wag mo na rin itong ulitin pa sa iba. Marami namang binata diyan I’m sure makakatagpo ka rin ng para sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments