Psalm 37: Pantanggal ng Black Magic

Ang Psalm 37 ang dinadasal upang makawala sa sumpa, kulam o anumang kasamaang black magic na ginawa sa isang tao.

Ihanda bago maligo: 

1. Magtimpla sa isang timba ng alinman klaseng tubig: tubig ulan, tubig na sinalok mula sa balon o tubig mula sa gripo.

2. Haluan ng iyong luha ang tubig. Yes, piliting lumuha kung isasagawa ang cleansing ritual. Kahit kaunti, basta may maihalong sariling luha.

Paraan:

1. Maligo gamit ang pangkaraniwang tubig. Kapag nasa huling pagbabanlaw, gamitin ang inihandang tubig na may kahalong luha.

2. Magsindi ng dalawang white candle. Pumagitna sa kandila. Ang distansiya ng kandila ay sapat para hindi matalsikan ng tubig.

3. Umpisahang ibuhos ang tubig na may kahalong luha sa tuktok upang dumaloy ito pababa sa iyong buong katawan.

4. Pagkatapos magbanlaw ay basahin ang Psalm 37.

Gawin ang ritual once a month.

Pero araw-araw ang pagbasa sa Psalm 37.

Show comments