KILAY: Ano ang sinasabi (6)

Tangled hairs (masalimuot ang tubo ng kilay): Kakaibang mag-isip. Nakikita niya ng malinaw ang magkabilang panig ng isyung pinag-uusapan. Minsan ay napapaaway dahil sa kakaiba at straight forward niyang opinyon. Kung napapansin mong madalas kang mapaaway, suklayin nang maayos ang kilay.

Access hairs (nakatayo ang tubo ng kilay sa umpisa: malapit sa sentro ng noo): Malakas ang kutob. Kapag kanang kilay ang may nakatayo, ang nakukutuban niya ay paparating na problema sa negosyo. Kapag sa kaliwang kilay, malakas ang kutob niya sa paparating na relationship problems.

Show comments