Gustong balikan ang ex-girlfriend

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Andi, 31 years old. Nagkaroon ako ng gf noong araw. Mahal na mahal ko siya dahil siya ang unang nobya ko at first love ko. Bigla na lamang siyang naglaho. Hinanap ko siya pero ako ay nabigo. Nabalitaan kong nag-abroad siya at nagpakasal sa isang German national. May bago akong nobya ngayon. Mahal ko rin siya pero hindi katulad ng pag-ibig ko sa una. Pero nasorpresa ako dahil nakipagkita siyang muli sa akin. Sabi niya naghiwalay na sila ng kanyang asawang German at nakikipagbalikan siya sa akin. Humingi rin siya ng tawad at pinatawad ko naman. Pero pinag-iisipan ko kung tatanggapin ko ba siya o hindi. Dapat ko ba siyang balikan pa?

Dear Andi,

Love is all that matters. Kung mahal mo siya talaga, bakit hindi? May kasabihang love is lovelier the second time around But of course, masasaktan ang gf mo ngayon. Pwede niyang isipin na ginamit mo lang siyang panakip butas sa panahong nangulila ka. Timbangin mong mabuti ang iyong damdamin at piliin ang sa palagay mo’y tunay mong minamahal at minamahal ka rin. Hindi madali ang problema mo pero kailangan kang magdesisyon.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments