Epekto ng Radiation sa kalusugan (5)

Kasama na ang mga buntis na babae ay hindi sinasadyang nakalunok o makalanghap ng radioactive materials na puwedeng dumaloy sa kanyang dugo.

Mula sa dugo ng ina, ang radioactive materials ay dadaan sa pusod ng bata o mananatili sa katawan ng ina na malapit sa bahay bata (katulad ng pantog) na maaaring maka-expose sa sanggol na hindi pa naipapanganak sa radiation.

 Ang posibilidad ng malubhang epekto sa kalusugan ay depende sa edad ng fetus (gestational age) sa oras na na-expose at sa dami ng radiation. Ang sanggol na hindi pa naipapanganak ay hindi gaanong apek­tado sa ilang yugto habang sila ay ipinagbubuntis. Dapatpuwat ang mga sanggol na nasa sinapupunan pa ay sensitibo kapag ito ay nasa 2 hanggang 15 linggo ng pagbubuntis. Ang pinsala ng exposure sa radiation ay magiging malubha kahit mababa ang doses ng radiation para magkasakit ang babaing nagbubuntis. Ang panganib na dulot ay katulad ng mabagal na paglaki ng bata, pinsala sa bahagi ng katawan, problema sa pag-iisip, at cancer na lumalabas pagkaraan ng maraming taon. Dahil ang batang nasa sinapupunan ay natatabingan ng tiyan ng nanay, ito ay naproprotektahan ng inunan laban sa pinangmumulan ng radiation sa labas ng katawan ng ina. Ang isang nagdadalang taong babae dapat kumunsulta sa doctor kung siya ay nag-aalala sa exposure ng bata na nasa sinapupunan sa radiation. (Itutuloy)

 

Show comments