Bading ang ‘prince charming’

Dear Vanezza

I’m 20 years old at college student. Mayroon akong classmate na foreigner at napakaguwapo niya. Very gentleman siya at napakabait sa aming lahat na classmates niya. Sa kaklse kong ito, para kong nakikita ang “prince charming”. Hanggang sa malaman kong may syota na siya. Pero hindi babae kundi lalaki. Isa pala siyang bading. Sobra ang pagkainis ko. Posible kayang sa pamamagitan ko ay magbago siya? Ano ang dapat kong gawin? - Kleng

Dear Kleng,

Masyadong suntok sa buwan ang gusto mong mangyari na sa pamamagitan mo ay magbabago siya. Ang bakla ay bakla at magbago man for religious reasons, sa kalooban niya’y hindi mababago ang kanyang sexual preference dahil yun ang kanyang nature. Yung iba’y nakakapag-asawa pero ang secret desire nila sa kanilang puso ay kapwa lalaki pa rin nila. Ewan ko kung sa papaanong paraan mo siya maa-attract. Marahil ay kaibiganin mo muna siya and only time can tell kung mamahalin ka rin niya gaya ng pantasya mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments