Para mabilis maibenta ang bahay

Kung nagawa mo na ang tatlong fengsui ritual pero hindi pa rin maibenta ang buhay, narito ang ultimatum na paraan:

May mga nagdadasal kay St. Joseph upang tulungan sila na maibenta ang bahay. Ibinabaon nila nang pabaliktad si St. Joseph (ulo ang nasa ilalim) sa lupa ng backyard or front yard kung saan ang mukha niya ay nakaharap sa East. Kung walang lupang pagbabaunan, puwedeng ibaon siya sa lupang nasa paso. Tapos ay may dinadasal sila kay St Joseph. Kapag naibenta na ang bahay, hukayin muli si St. Joseph, paliguan at idispley sa inyong altar. Magdadala itong muli ng suwerte sa inyong buhay. Magdasal kay Saint Joseph at humingi ng paumanhin sa ginawa mong pagbaliktad at pagbaon sa kanya sa lupa. Kung pababayaan mong nakabaon siya matapos maibenta ang bahay…hindi ko masasabi ang maaaring mangyari sa iyo dulot ng kapabayaan mo.

Show comments