Inaagiw na utak

Panaginip: Winawalis ko ang sapot ng gagamba sa kisame ng  aming bahay. Biglang naglabasan ang maraming gagamba mula sa iba’t ibang sulok. Sa takot ko ay nagtatakbo ako palabas ng bahay pero sinundan pa rin ako ng maraming ga­gamba.

Interpretation: Kinakatawan ng kisame ang ulo kung saan nakapaloob ang utak. May gumugulo sa iyong isipan at kalooban. May tinatakasan kang sitwasyon na nagbibigay sa iyo ng takot at matinding pag-aalala.

Show comments