3 Tips

Kisame: Sa Fengshui, ang wastong taas ng kisame mula sa sahig ng bahay ay 8 feet. O, kaya ay 4 feet ang space mula sa ulo ng pinakamataas na residente ng bahay. Ang mababang kisame ng bahay ay nagreresulta sa mabigat na pamumuhay ng pamilya. Pinturahan ng puti o kahit anong bright color ngunit huwag gumamit ng blue or black.

Chandelier: Magandang ilawan ng chandelier ang buong Southwest ng kabahayan. Dapat ay maliwanag ang ilaw na gagamitin at ito ay may nakasabit na mga crystal. Ito ay nagreresulta ng romance at love luck sa mga miyembro ng pamilya  na naninirahan sa bahay.

Walis Tambo: Panatilihing nasa tagong lugar ang mga walis at huwag ipakalat-kalat sa dining room dahil nagpapahayag ito ng pagkawala ng hanapbuhay.

Show comments