Bad Things sa Feng Shui

1—Huwag magsabit ng wind chime sa ilalim ng puno. Nang-aakit ang tunog ng mga espiritu.

2—Hindi dapat nakikita sa entrance ng bahay ang loob ng toilet dahil hinihigop nito ang good energy na pumapasok sa bahay.

3—Iwasang nakaharap ang bed sa toilet. Hihina ang energy ng taong natutulog sa bed at magkakasakit siya.

4—Hindi magandang tumapat ang cook sa exposed beam. Naiistorbo ang kanyang good energy. Dapat ay nasa magandang disposition ang cook upang maging masarap ang kanyang niluluto.

5—Iwasang maglagay ng swimming pool sa itaas (in case ilang level ng floors ang inyong bahay) ng inyong bahay. Financial loss ang magiging resulta. (Itutuloy)

 

Show comments