Casimero itataya ang IBF crown

MANILA, Philippines - Nangako si Filipino world light flyweight cham­pion Johnriel Ca­si­mero na gagawin ni­ya ang lahat ng kanyang magagawa para ma­tagumpay na maiuwi ang kanyang suot na koro­na laban kay Panamanian challenger Luis ‘Pan Blanco’ Ríos.

“Gagawin ko tala­ga ang lahat para hindi ma­agaw sa akin ni Rios itong korona ko,” sabi ng 23-anyos na tubong Or­moc City, Leyte sa 22-anyos na si Rios.

Itataya ni Casimero ang kanyang  hawak na Internatio­nal Boxing Fe­de­ration crown laban kay Ri­os nga­yon sa Megapo­lis Con­­vention Center ng Hard Rock Hotel Pa­na­ma.

Tangan ni Casimero ang kanyang 17-2-0 win-loss-draw ring record ka­sama ang 10 KOs kumpa­ra sa 18-1-1 (13 KO’s) sla­te ni Rios.

Kung mananalo kay Rios, isang unification fight ang plano ni Filipino pro­moter Sammy Gello-ani para kay Casimero.

Alinman kina World Bo­xing Council champion Adrian Fernan­dez ng Me­xico at World Boxing Association titlist Roman Gonzales ng Nicaragua ang maaaring makalaban ni Casimero para sa isang unification fight, ayon kay Gello-ani.

Naidepensa ni Casi­mero ang kanyang suot na IBF light flyweight crown kontra kay Mexican challenger Pedro Guevara via split decision noong nakaraang taon.

Show comments