Paano mahalin ang isang ‘Leo’?
Maraming dahilan para mahalin ang mga taong ipinanganak mula July 23 hanggang Aug 22. Bukod sa pagiging mapagmahal ng mga Leo, maituturing na magaling din sila pagdating sa “art†, may dedikasyon sa kanilang trabaho at nagbibigay ng extra effort para maging matagumpay. Gifted din sila at may mga talentong hindi maipagkakaila sa kanilang pagkatao. Kaya naman napakasuwerte mo kung ang nagmahal sa’yo ay isang “Leoâ€. Paano nga ba paiibigin ang isang taong may zodiac sign na “Leoâ€? Narito ang ilang paraan.
Magpakita ng paghanga – Ang mga Leo ay medyo “self centered†o bilib sa sarili at nais na nagiging sentro ng atensiyon. Sa unang beses na pakikipag-date sa isang Leo, punuin siya ng komplimento. Para sa mga babaeng Leo, hindi lang dapat ikomplimento ang kanyang damit at sapatos, maging ang suot niyang accessories ay dapat din na batiing maganda. Habang ang mga lalaÂking Leo naman ay mas nagugustuhan kung hahangaan ang kanilang talento at mga naabot na sa buhay.
Magarbo – Mahilig ang mga Leo sa magagarbong bagay. Kung may kakayahan ka naman, bakit hindi mo siya dalhin sa isang magandang “concert with dinnerâ€. Tila lumalaki ang puso ng mga ganitong tao kapag sila ay nabibigyan ng napaka espesyal na bagay gaya ng magagandang bulaklak at chocolates o anumang regalo.
Makinig – Ang mga Leo ay madadaldal at nais nilang sabihin lahat ng mga bagay na interesado sa kanila. Kaya naman bagay silang kasama ng mga taong tahimik at mahilig lang makinig. Kapag nakita ng taong ito na ikaw ay mahusay na “listener†ay magiging malapit ka sa kanila. Sa oras na makita niya na hindi mo siya pinakikinggan, mas lalo siyang magiging madaldal.
Masayahin – Mahilig tumawa ang mga Leo. Mahal nila ang mga bagay na nagbibigay sa kanila ng kasiyahan. Kaya kung ikaw ay masaya kasama at nakikipag-date sa isang Leo, malaki na ang posibilidad na mag-e-enjoy siyang kasama ka at presto! Maaaring masungkit mo ang kanyang matamis na oo.
“Space†– Sa wakas, dapat mong bigyan ng tamang “space†ang isang Leo sa isang relasyon. Kapag siya ay nasakal sa iyong ginagawa o trato sa kanya, tiyak na siya ay kakawala at maghahanap ng paraan upang makatakas sa’yo. Pero, kung bibigyan mo siya ng kalayaan at nakikita niyang pinagkakatiwalaan mo siya, tiyak naman na bibigyan ka niya ng reward na nararapat sa’yo.
- Latest





















