May duda sa bf

Dear Vanezza,

I’m Bing, 37, single. Meron po akong boyfriend na nasa Dubai. Noong una ay okey naman ang aming relasyon, ako ay secured at hindi nagkakaroon ng alalahanin na maaa­ring hindi magtagal ang aming relasyon. Kaya lang lately, naramdaman kong bumaba ang quality time niya sa akin at nararamdaman kong may iba pa siyang pinagkakaabalahan. Kapag tinatanong ko naman siya ay palagi naman niyang sinasabing walang iba sa buhay niya. Kaya lang my instinct is telling me that there is really something wrong in our relationship.  Ano po ba ang dapat kong gawin?

Dear Bing,

Kausapin mo siya ng sesryoso at heart-to-heart. Hi­ngin mo ang kanyang katapatan na magsabi sa’yo kung nasaan ka na talaga ngayon sa kanyang buhay.  Kung patuloy kang magkakaroon ng pagdududa sa kanya, sooner ay makakasira ito sa inyong relasyon ngunit kung may basehan ang iyong pagdududa, dapat kang magdesisyon ng para sa iyong ikabubuti.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments