Second hand na appliances

Tanong: Paano ko isasagawa ang “cleansing” sa aking nabiling second hand na microwave oven, computer at TV?---Thelma

Sagot: Alisin ang negative energy sa appliances sa pamamagitan ng pagpatong dito ng crystal quartz. Ipatong ang crystal sa buong magdamag. Hihigupin nito ang  negative energy. Bago gamitin, hugasan muna ng tubig na may asin ang crystal. Patuyuin ito sa sikat ng araw.

Ang mga electrical appliances or gadgets ay pinamamahayan ng negative energy at masama ang epekto nito sa tao. Tinatrap ng crystal ang energy na ito. Kaya kailangang ibilad sa araw ang crystal matapos ipatong sa second hand na gamit upang matunaw ang bad energy.

Show comments