Matatag na kalooban

Panaginip: Umak­yat kaming mag-asawa sa puno pero nadulas ako. Napigilan ako sa kamay ng aking asawa kaya nanatili akong nakalambitin. May mga taong nakakita sa  amin pero walang tumulong. Wala akong nadamang takot. Background: May kinakaharap akong problema tungkol sa aking asawa.---Catwoman

Interpretation: Ipinapakita sa iyong pa­naginip na ikaw ay may matatag na kalooban. Kahit nakalambitin ka (ang pananatili mo sa piling ng iyong asawa sa kabila ng problema) at may posibilidad na mahulog (paghihiwalay) ay hindi ka nakadama ng takot (future). Walang tumutulong sa inyo dahil sa katotohanan, kayo lamang mag-asawa ang makakapag-save ng inyong marriage.

Show comments