^

Pang Movies

Daniel, umeksena sa birthday ni Kathryn

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

In fairness kay Daniel Padilla, kahit wala na sila ni Kathryn Bernardo ay binati pa rin niya ang ex-girlfriend sa kaarawan nito kahapon, March 26.

Nag-post ang aktor ng blurred photo ng isang babae sa kanyang Instagram Story na pinaniniwalaang si Kathryn.

In Japanese, Daniel wrote, “happy birthday to you.”

Samu’t sari naman ang reaksyon ng netizens and fans. May kinilig sa greetings ni DJ pero meron din namang galit pa rin hanggang ngayon sa aktor.

“Papansin na ex, literal HAHAHAHAHAHA,” komento ng isang netizen.

“Ba’t kinilig ako ng slight,” sabi naman ng isa pa.

“Amaccanah Daniel!” reaksyon naman ng isa pa.

Pagtatanggol naman ng isang X user, “Natural lang na batiin ni Daniel si Kathryn naging malaking parte ng buhay nila ang isa’t-isa at kahit anong mangyari di na mawawala yon kahit may kanya-kanya na silang buhay..Paano nalang kung irepost ni Kathryn yan eh di nagbigti na kayong mga bashers ni Daniel? Chos!”

Komento naman ng isa pa, “That’s good being civil,”

Matatandaang inanunsyo ng KathNiel ang kanilang breakup noong Nov. 20, 2023 at hanggang ngayon, marami pa ring KathNiel fans ang umaasang magkakabalikan ang dalawa.

Sarah at Matteo, napatawad na ni Mommy Divine!

Kinumpirma ni Sarah Geronimo na magkasundo na sila ng inang si Mommy Divine at nag-uusap na silang muli.

Sa panayam ni Sarah with Dyan Castillejo of ABS-CBN, natanong si Popstar Royalty kung speaking terms na nga sila ng ina.

“Yes! Yes! Thank you, Lord!” masayang sambit ni Sarah. “I love you, ‘Ma!”

Hirit din naman ni Matteo, “Love you, ‘Ma” at natawa si Sarah.

“We love our moms,” dagdag pa ng aktor.

Matatandaang sinabi ni Sarah na ang kanyang ina ang kanyang hero nang tumanggap siya ng Global Force Award sa Billboard Women in Music event na ginanap sa Los Angeles, California earlier this month.

“That’s true, totoo naman (na) ang mga mommies po natin ang heroes po natin. Our parents ang heroes natin,” sey pa ni Popstar.

Naibahagi rin ni Pop Star kay Dyan na binati pa siya ni Mommy Divine sa award na natanggap.

Marami naman ang natuwa na finally ay napatawad na ni Mommy Divine ang mag-asawa.

Matatandaang matagal na panahon din ang naging alitan ni Sarah at ng kanyang magulang na nagsimula noong ikasal ang aktres/singer kay Matteo in 2020.

As we all know ay tutol ang magulang ni Sarah kay Matteo para sa kanilang anak. Kaya naman napakaraming natutuwa ngayon na finally ay okay na ang lahat sa pagitan nilang lahat.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with