KC, iniintrigang buntis

KC Concepcion.
STAR/ File

Ba’t kaya may kumakalat na video na hitsurang buntis din si KC Concepcion.

Well naka-white dress siya. At parang malaki nga ang tiyan habang may hawak na puppy.

Ang last pa ni KC na post sa Instagram ay ang mga alahas niyang ginagawa at binibenta.

Base sa mga post, going strong ang relasyon nila ni Mike Wüthrich.

Filipino-Swiss si Mike na diumano’y may ex-Filipina wife.

Walang post si Mike Wüthrich ng mga travel nila ni KC.

Anyway, baka naman medyo chubby lang si KC and healthy kaya malaki ang tiyan at hindi naman buntis.

Pero kung totoong preggy siya, walang masama. Pwede naman to follow ang kasal dahil 37 years old na si KC at laging sinasabi ng kanyang mommy na si Sharon Cuneta na gusto na niyang magkaapo.

Ayon sa Google, 41 years old na si Mike.

Show comments