Aktres na si Ruby Ruiz, chika-chika kay Nicole Kidman

Ruby at Nicole

MANILA, Philippines — Ramdam na ramdam ang Pinoy pride para sa isa sa mga bida ng Linlang na si Ruby Ruiz dahil pinagbibidahan niya ang Amazon Prime Video series na Expats kasama ang Hollywood star na si Nicole Kidman.

Parehong dumalo sina Ruby at Nicole sa star-studded premiere night ng Expats na ginanap sa New York City kamakailan.

 Tinawag ng netizens na “pang-international” ang galing ni Ruby bilang aktres dahil bukod sa role niya bilang isang nanny sa Expats, puring-puri rin siya bilang ang mapagmahal na Lola Pilar sa global hit series na Linlang ng ABS-CBN.

Ginampanan ni Ruby si Essie, ang Pinay na yaya ni Margaret (Nicole) na nag-aalaga sa mga anak ng kanyang amo na parang sa kanya.

Samantala, usap-usapan ang pilot episode ng Linlang: The Teleserye Version noong Lunes (Enero 22) matapos itong makakuha ng iba’t ibang trending topics sa social media at magtala ng 367,069 live concurrent views sa Kapamilya Online Live.

 Ikinatuwa ng netizens ang napanood nilang never-before-seen scenes at inaabangan na rin nila ang mas nakakagigil na mga rebelasyon tampok ang mga karakter nina Kim Chiu, Paulo Avelino, at JM De Guzman.

Mapapanood ang Linlang: The Teleserye Version gabi-gabi ng 8:45 p.m. pagkatapos ng FPJ’s Batang Quiapo sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Show comments