Junior actress, ‘di kinabog si young actress

Ayaw pakabog ng isang young actress A (YA) sa co-star niyang junior actress (JA) na kasama niya sa series.

Ito kasing si JA, may schedule ng taping na tinamaan ang naka-block off na niyang schedule. Nagpaalam na siya sa production at nangakong unang kukunan ang kanyang mga eksena.

Eh nang dumating sa set si YA, nalaman niyang mga eksena muna ni JA ang kukunan dahil sa previous appointment niya.

Nang malaman ito ni YA, nagmaktol siya. Ayaw pumayag na eksena muna ni JA ang kukunan, huh!

Pero supalpal si YA dahil mas inuna ang eksena ni JA kesa sa kanya na wala namang previous na schedule bago ang taping!

Lihim na ngumingiti ang supalpal kay YA na wala naman sa katwiran eh pinaiiral pa ang diva-diva-han attitude, huh!

Rita, umingay sa pagiging food critic

Maraming books ang naisulat na ni Rita Avila bago pa man nagkaroon ng pandemic. Pero tinigilan muna ni Rita ang pagsusulat. Kasi naman, may additional taxes na ipinatong sa mga manunulat, huh!

Ang isa sa ginagawa ng aktres bukod sa pag-arte, naglalabas siya sa kanyang Instagram ng opinyon niya sa isang pagkain. Dahil sa ginagawa niyang ‘yon, umingay ang name ni Rita bilang food critic sa Ok But Better by Rita Avila. “Para ito sa kung magkaroon ng better choice sa food,” saad ni Rita.

Eh dahil sa pagpuna niya, isang Pinay sa Japan ang umokray sa nilagay ni Rita na mas masarap ang siopao sa 7-11 kesa sa Japan. “Tinawag niyang CRAP ang Pinoy foods. Daming umaway sa kanya. Hayun, nagsara ang account,” chika pa ni Rita sa amin.

Anyway, mapapanood sa GMA series si Rita na Atty. Lilet Matias with Jo Berry.

 

Show comments