Kahit may nararamdaman... Kris, namili sa mall para sa birthday ni Joshua!

Kris Aquino

Nakakaantig ng puso ang mensahe ni Kris Aquino sa kanyang panganay na anak na si Joshua na nagdiwang ng kaarawan kahapon, June 4.

Magkahiwalay ngayon ang mag-ina dahil nasa Amerika si Kris at nagpapagamot ng kanyang sakit habang si Josh naman ay nasa Tarlac.

Sa kanyang Instagram account ay buong pagmamahal na binati ni Kris ang anak at ipinahayag ang pagka-miss niya rito.

Aniya ay nagpunta siya sa mall dahil gusto niyang siya mismo ang bumili ng damit para sa kanyang first-born.

“Kuya, i miss you and i love you so much… you’re where you want to be, surrounded by so many who love & care for you.

“Yesterday was only the 4th time in 1 year of being in the that mama went to a mall because i wanted to be the one to choose your new clothes. i’m so proud of you! Because of your discipline, jogging & swimming everyday, you’ve already lost more than 20 pounds.

“Some people who love & miss you from here + 1 super special person will arrive in a few days to personally bring home all your gifts,” ang simu;a ng mensahe ni Kris kay Josh.

Ipinahayag din ng Queen of All Media ang kagustuhan niyang makapiling ang anak sa kaarawan nito pero hindi niya magawa dahil nga sa kanyang treatment at nagbahagi ng kaunting health update.

“Kuya, i wish i could join them, but mama needs a year & a half minimum of treatment because my latest blood panel confirmed i have 5 autoimmune conditions.

“Mama will need to semi-isolate in 3 weeks because my immunity already went down. You promised me you’ll spend Christmas up to my birthday here. Please keep praying for all of us?” aniya.

“Happy Birthday to our super guapo Kuya, i love you so much & yes i’m taking care of myself (that’s how he ends all his messages by telling me he loves me so much & to “take care of yourself, mama”),” ang huling bahagi ng mensahe ni Kris.

Angelica, nagpipigil magbasa ng script

Halatang nami-miss na ni Angelica Panganiban ang umarte since medyo matagal-tagal na nga rin siyang nakabakasyon sa showbiz.

Pero talagang hindi pa raw siya pwedeng tumanggap ng proyekto sa ngayon dahil nagpapa-breastfeed pa siya sa baby niyang si Amila Sabine or Bean.

Ayon kay Angelica sa latest vlog nila ng future husband na si Gregg Homan, nakapila raw ang offers at scripts na dumarating sa kanya pero inaantay pa niyang mag-isang taong gulang si Bean. “Pwede ko siyang pag-isipan after mag-September, after mag-one year ni Bean. Kasi doon medyo less guilt na siguro ‘yung pagtigil ko sa pagpapadede,” sey ni Angelica.

“Pwede na akong magbasa ng scripts, tumanggap ng offers. Kasi ngayon, nakapila lang sila, but hindi ko pa binubuksan yung pintuan – meaning hindi ako nagbabasa ng script,” dagdag niya.

Ayaw daw muna niya dahil baka may magustuhan siya at matukso siyang tanggapin. “Kasi kapag nagbasa ako ng script at may nagustuhan ako, mababaliw ako,” aniya.

“Baka umalis na lang ako dito at magshu-shooting na ako. Though hindi ko naman yun gagawin talaga,” sey pa niya.

“Pero kasi ‘di ba, ayaw kong makakita ng script tapos napanood ko tapos iisipin ko na sa akin dapat ‘yan,” hirit pa niya.

“Ayaw na ayaw ko ng ganung feeling. So iniiwasan ko magbasa,” dagdag pa niya.

Pero nilinaw naman niyang malapit na rin naman siyang magbalik.

Show comments