Alden, ‘di nagbago!

Alden

Very happy ang angel kong si Mel dahil sa Vivo phone na bigay ni Alden Richards. At siguro tingin sa akin ni Alden at ng kanyang personal assistant na si  Mama Tenten isang dalaga dahil lagi na lang meron akong delicate flowers ‘pag special occasions.

Mahilig sa white orchids si Alden kaya lagi na ito ang natatanggap ko mula sa kanya thru Mama Tenten.

Kaya very special siya para sa akin dahil hindi ko alaga si Alden. Hindi niya ako kailangang bigyan ng mga ganito pero ang sarap sa pakiramdam na naaalala niya ako.

Noon pa lang una, naramdaman ko na ang sweetness ni Alden at pagiging magalang nito. Kailanman ay hindi iyon nawala sa kanya.

Natutuwa ako sa pagsikat at naabot ni Alden. Natutuwa ako dahil nakita ko na hindi siya nagbago. Ganun pa rin siya, magalang, humble at sweet. Kaya naniniwala akong deserve niya ang lahat ng meron siya ngayon.

Kahit ano pa ang sabihin, good people will always have blessings in life. Dahil marami ang nagmamahal sa kanila, marami ang nagdarasal para sa tagumpay nila. Kaya naman tuluy-tuloy ang pagdating ng biyaya.

Ang sakit ng mga mata ko habang ginagawa ko ang kolum na ito pero talagang tiniis ko dahil gusto kong malaman ng lahat ang pagiging thoughtful ni Alden at Mama Tenten. Sobra akong nata-touch sa bait ni Alden at talagang hanga ako sa sweetness nila ni Mama Tenten.

Show comments