Sarah/ John Lloyd at Alden/Bea movies, walang urungan!

Julia

Bumabawi si Sarah Geronimo sa matagal din namang pamamahinga. Pagkatapos ng successful concert niya sa Araneta Coliseum, nabalitang may reunion movie sila ni John Lloyd Cruz sa Viva Films.

Sabi ni Vincent del Rosario na nakausap ng press sa celebration ng 7 million subscribers ng Vivamax, wala pang eksaktong project na gagawin sina Sarah at John Lloyd. Naisipan nilang i-meet ang dalawa sa Viva office nang mabanggit ni Sarah na puwede silang muling gumawa ng pelikula ni John Lloyd.

Pero, hindi ibig sabihin na dahil wala pang kongkretong project ay hindi gagawin ng Viva ang reunion movie nila.

Anyway, unang gagawin ni Sarah ang collab concert nila ni Bamboo happening sa July 7, 2023 sa Araneta Coliseum. To be announced ang ticket details sa sinasabing biggest collab concert of the year.

Samantala, sina Julia Barretto at Aga Muhlach na raw ang papalit kina Bea Alonzo at Alden Richards sa pelikulang Special Memory na pelikula dapat ay kina Alden at Bea. Nag-beg off si Bea sa project dahil sa conflict of schedule sa rami ng kanyang ginagawa.

Nanghinayang ang Viva na hindi ituloy ang project dahil na-launch na nila at maganda ang project.

Ayon din Vincent del Rosario, kundi sa July ay sa August sisimulan ang shooting ng Special Memory na si Nuel Naval pa rin ang director.

Bagong tambalan ang Aga at Julia at marami ang looking forward na mapanood sa big screen ang dalawa dahil sigurado raw na hahanga tayo sa visuals ng mga bida.

Show comments