Lorna, ayaw maging gatecrasher

Gusto ko na upgraded na ang lunch namin nina Pat-P Daza, Salve at Gorgy Rula. Dapat meron na kaming mga ka-lunch tulad nina Jean Saburit at Jayke Joson.

Actually thankful kami sa lahat ng ka-lunchdate namin dahil sa oras na binibigay niya sa amin. Imagine mo si Cong. Toby Tiangco na galing pang Navotas na talagang nag-share ng time niya sa amin. Saka ‘yung mga hindi inaasahan na biglang dumarating, kaya nga gusto ni Leo Espinosa na dapat meron nang celebrity date tuwing lunch.

Ang sarap talaga basta masaya lang ang kuwentuhan, masarap ang food at nag-enjoy kayong lahat.

Sa inggit nga ni Lorna Tolentino gusto niyang ma-discover ang magic ng lunch at maging sponsor dahil ayaw niyang maging gatecrasher, hah hah.

Kaya nga tumawag siya sa akin at sasama raw siya. Kaya next week, lunch pa more kami.

May gusto siyang resto na sabi nila ay pinipilahan daw talaga at mga sosyal ang kumakain.

Humanda sila dahil darating kami dun.

Hahaha.

At kung hindi lang siguro may office sina Pat-P at Salve, gustung-gusto pa naming i-extend ang lunchdate namin lagi tulad nung isang araw na ka-lunch namin ay si Jayke Joson na mas malaki pa ang tip ibinigay sa mga waiter ng restaurant namin na kinainan kesa sa bill na binayaran niya.

Kaloka kaya tuwang-tuwa ang mga waiter at hinayaan siyang mag-ingay.

Gladys, emosyonal sa mga award ng anak

Ang bongga naman ni Gladys Reyes. Naging emosyonal siya nang um-attend ng commencement ceremony ng mga anak niya.

Naging mas espesyal para kina Gladys at mister niyang si Christopher Roxas nang makita nilang nakatanggap ng awards ang mga anak nila sa school.

Ang anak nilang si Christophe na gumraduate ng senior high school ay nagtapos bilang salutatorian.

Kaya naman ‘di ito napigilan ng aktres na ibahagi sa social media, “Can’t help to be emotional today on our son Christophe’s senior high graduation, 1st honor, class salutatorian and subject excellence awardee.
“My son Grant, who graduated from Grade 6 and Aquisha both Headmaster awardees!
“Thank you our merciful God for this day and blessings!”

Kaya inulan siya ng pagbati sa achievement ng mga anak.

Show comments