Miles at Elijah, isang taong nagtago

Elijah Canlas at Miles Ocampo

Isang taon pala bago isinapubliko nina Elijah Canlas at Miles Ocampo ang kanilang relasyon.

Ayon sa award-winning actor, talagang nilihim daw nila ang kanilang relatonship dahil ayaw nilang may mga makialam sa kanila.

“For the first year po ng relationship namin, nobody knew about it. We just choose what to share, and you have to save yourself sometimes from certain things,” sey ng aktor na pinahahalagahan ang privacy nila ni Miles.

Ngayon, masaya raw sila na ibahagi ang ilang impormasyon tungkol relasyon nila. Naging open na sila sa kanilang relasyon noong nakaraang taon at sa birthday ni Miles nila ginawa ang revelation.

Kasalukuyang sumasailalim si Miles sa pagpapagamot sa na-diagnose sa kanya na papillary thyroid carcinoma. Alam ni Elijah na mahirap daw na pilitin si Miles na magpa-check up sa doktor dahil takot ito sa mga ospital. Siya raw ang nagtiyagang nag-push kay Miles na magpatingin sa doktor.

“Takot po kasi ‘yon sa mga ospital. ‘Yung tipong kapag nasa car kami at may dumaan na ambulance, nagtatakip po talaga siya ng tainga kapag may wang-wang. So matagal ko na po siyang pinipilit or tinutulungan na i-convince to go to the hospital to have a checkup. So I am proud of her for having the courage to do it finally, to have herself checked and to even face those procedures na pinagdaanan niya. Kasi hindi po madali ‘yon for someone who has a phobia of hospitals and needles.”

Anak ni Roi Vinzon, leading man ang datingan

Hindi kataka-takang matawag na Heartthrob ng Sparkle Teens si Antonio Vinzon dahil pang-leading man ang dating niya.

Sa edad na 15, towering height na meron ito na namana niya sa kanyang actor-father na si Roi Vinzon.

Si Antonio (Roi Antonio David in real life) ay isa sa pitong anak ng veteran actor. Ang nakakatandang kapatid ni Antonio na si Lala Vinzon ang unang pumasok sa showbiz via The Voice Teens noong 2017 at naging talent ng Sparkle noong 2021. Sumali naman last year si Lala sa Bb. Pilipinas pageant.

Medyo naging emotional si Antonio sa launch ng Sparkle Teens dahil sa pagpayag ng kanyang parents na pasukin niya ang pag-aartista. Gusto raw niyang sundan ang yapak ng kanyang ama na mahusay na kontrbida at action star. Pero sa dating ni Antonio, future leading man ito sa mga teleserye at pelikula.

Pinakita nga raw niya sa kanyang parents na seryoso siya sa pinasok niyang career.

Show comments