^

Pang Movies

Nam Joo-Hyuk pumasok sa military training

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Nam Joo-Hyuk pumasok sa military training
Nam

Kaloka naman na kasama ang isa sa favorite Korean actors ko na si Nam Joo-Hyuk sa mga pumasok na sa military training.

Ibig sabihin wala siyang gagawing bagong Korean drama.

Kasama niyang nagpalista para mag-training sina N.Flying’s Cha Hun, VICTON’s Seungsik, and Golden Child’s Y.

Hindi ko talaga makakalimutan ang Weightlifting Fairy Kim Bok-Joo (2016–2017) ni Nam Joo Hyuk.

Ang ganda ng kuwento nito at isa sa mga paborito kong K-drama.

Sa tuwing malulungkot ako noong pandemic ito ang pinapanood ko.

Naloloka na nga ang apo-apohan kong si MJ pag nakikitang pinapanood ko ulit ito dahil parang ‘di ko raw ba naiintindihan ang pinapanood ko dahil paulit-ulit lang ako.

Hahahaha.

Malabong malimutan ng fans si Joo-Hyuk kahit nasa military training siya dahil ang gaganda talaga ng mga ginawa niyang K-drama.

Sayang nga lang at nang dumating siya sa Manila, hindi pa akong masyadong adik sa K-drama or else talagang isa ako sa mga nanggigil sa kanya noon.

Hahaha.

Hay masarap talagang manood ng K-drama dahil parang bumabalik ako sa pagkabata.

Bongga.

vuukle comment

NAM JOO-HYUK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with