Julie Anne, gusto nang makasama habambuhay ni Rayver   

Julie at Rayver

Kilig to the max ang mga JulieVer fans sa guesting nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa Fast Talk with Boy Abunda. Hindi ka lang kasi kikiligin sa kanilang mga sagot kundi pati sa kanilang mga aksyon. Tinginan pa lang, sapat na ika nga. Talaga namang obvious na punung-puno sila ng pagmamahal sa isa’t isa.

Sa tanong kay Rayver kung ano ang pinakanagustuhan niya kay Julie Anne, sagot ng aktor, “everything, tito Boy, she’s my world” sabay-titigan nila nang malagkit.

“Very loving” naman ang sagot ni Julie Ann sa parehong tanong.

Habang patuloy ang “fast talk” ay napansin din ni Kuya Boy ang titigan ng dalawa at nagkomentong, “alam mo, iba kayo magtinginan, huh!”

Tinanong si Rayver kung ano ang tawag niya kay Julie, at sagot ng aktor, “Jules, pero sa totoo lang tito Boy, ang tawag ko sa kanya, ‘my love.’”

Nang si Julie Anne naman ang tanungin, “pumpkin” at “love” raw ang tawag niya kay Rayver at nagtawanan sila pareho.

Ang pinaka-killer question sa dalawa ay “sino si Julie/Rayver sa buhay mo?”

Sagot ni Rayver, “siya lang ‘yung nag-iisang babae sa buhay ko ngayon, tito Boy.”

Sey naman ni Julie Anne kung sino si Rayver sa buhay niya, “importante at mahal ko.”

Pero hindi pa roon nagtapos ang kilig dahil sa huli ay hiningan ng mensahe ni Kuya Boy ang dalawa para sa isa’t isa. Dito ay sinabi ng aktor na sure na siya na si Julie Anne ang gusto na niyang makasama habang-buhay.

Ani Rayver, “Gusto ko lang sabihin sa ‘yo na this is it. Kung ‘di mo man alam pero (I’m) getting ready kasi ikaw na talaga ‘yung nakikita ko na na makakasama ko habang-buhay.”

Dagdag niyang paliwanag, “noon kasi, nagre-ready ako for myself, tito Boy. But now, I’m getting ready para sa mga future plans ko and future ko with her.”

Simple at maikli lang ang mensahe ni ni Julie Anne sa boyfriend. Aniya, “basta kung nasan ka, du’n ako.”

Talaga namang umaapaw ang kilig ng netizens sa comment section.

“I was smiling the whole time watching this interview live on TV tapos ngayon sa YT. Salamat Tito Boy and GMA for this episode. The best ang JULIEVER,” reaksyon ng isang fan.

“Grabe... hindi ako kinilig for the longest time, ngayon na lang uli!!!!! I can’t get over this interview,” komento naman ng isa pang viewer.

“Ang ganda ng smile tlga ni Julie sobrang bagay sila ni Rayver bitin naman Tito boy . God bless sa show mo lagi ako nag watch,” sey naman ng isa pang netizen.

“Mula umpisa hanggang sa matapos nakangiti lng ako sa inyo dalawa grabe na tlga kayo juliever napka sweet nyo sa isat isa,” sabi naman ng isa pang fan.

JM, nagpasalamat sa mga tumulong sa kanyang addiction

Ang dami namang natuwa sa IG post ni JM de Guzman kung saan ay ibinahagi niya ang regular na pagbisita sa kanyang pinanggalingang rehabilitation center para i-check ang kanyang mental health.

Makikita sa larawang ipinost ng aktor na kasama niya ang tila mga staff sa rehab na pinanggalingan at nagpasalamat siya sa mga ito na tumulong sa kanyang drug addiction and mental health problems.

“Touching base at my rehab (Self therapeutic Community) from time to time to keep my mental health in check. Grateful with my ates my counselors and doctors that helped me fight through drug addiction and mental health problems.

“Please win the war within you that you dont talk about,” caption ni JM.

Of course, it’s always good to hear kapag may mga taong nakakabangon mula sa pagkakadapa kaya naman umapaw din ang positive and supportive comments ng netizens sa kanya.

“So very proud of you!! Hangga’t may Panginoon hindi tayo mapapahamak isa ka sa taong malakas na nakilala ko alam kong mahirap ang ganyang sitwasyon pero lahat ng yun nalampasan mo,” komento ng isang supporter.

“I am always proud of you JM continue moving forward, lagi kami andito para sumuporta at umalalay kahit sa harap, likod at tagiliran pa yan,” saad naman ng isa pa.

Show comments