Xian, natutong makisama

Xian Lim

Sa mediacon ng isa pang groundbreaking show sa GMA Telebabad, ang Hearts On Ice, the country’s first-ever figure skating drama, parehong tumanggap ng mga papuri ang mga bidang sina Sparkle actress Ashley Ortega and multi-talented actor Xian Lim, hindi lamang sa kanilang director na si Dominic Zapata, kundi mula sa mga bumubuo ng cast.

Inamin ni Xian na nagulat siya nang i-offer sa kanya ng GMA ang role ng isang figure skater sa serye kaya tinanong niya kung tama raw bang siya ang pinili to play the role? Na-challenge raw siya sa role, kaya naglaan siya ng oras to learn ice skating, “Nakakahiya kung hindi ako mag-aaral, kaya nag-enrol ako, at first time din naming magtatambal ni Ashley kaya kailangang pag-aralan ko ang role. Na-break ang ice between us nung nakikita na niya akong nahuhulog sa ice sa mga eksena namin. She’s mabait, very patient sa akin at tinulungan niya ako para matuto akong mag-skate.”

Pinuri naman si Xian ng co-stars niya na dati na niyang nakasama, sa pagiging professional niya, very humble, mabait at gentleman. Kung may nabago raw kay Xian, iyon ay mas humusay pa siya sa acting niya at sa pakikisama niya sa co-stars niya.

Three years old pa lamang pala si Ashley Ortega, nagsimula na siyang mag-training ng figure skating at sumasali na siya sa competitions sa Thailand, China, Japan at Malaysia at nakaipon na raw siya, since then, ng 80 medals, isa rito ay ang pinakamagandang medal na pinanalunan niya sa Thailand.

Inamin din niya na hindi pa raw siya artista ay napapanood na niya si Xian at naging fan siya ng actor. “Guwapo and char­ming si Xian, we become friends nang magsimula na kaming mag-training ng skating, hindi niya ako inilalaglag sa ice,” natatawang kuwento ni Ashley.

May pasabog daw si Ashley sa isang eksena ng serye. Dahil dito, biglaan daw siyang nag-diet dahil kailangan sa eksena.

Sa serye, si Ashley ay si Ponggay na nagsikap na matupad niya ang broken dreams ng mother niya (Amy Austria) na maging isang figure skater, kaya kahit may kapansanan siya, sinikap niyang ma­ging isang mahusay na figure skater. Dito niya mami-meet ang snobbish but attractive Enzo (Xian) na anonymous online idol pala niya.

Ilan pa sa bubuo ng cast sina Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Inigo, Skye Chua, who is an excellent figure skater at isa na ring Sparkle GMA artist.

Ang Hearts on Ice ay mapapanood na simula sa March 13, 8:50 p.m. sa GMA 7. Papalitan nila ang Luv Is: Caught in His Arms na nasa finale week na simula ngayong Monday, March 6.

Show comments