^

Pang Movies

Alex, iba sa showbiz persona!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Alex, iba sa showbiz persona!
Alex Gonzaga

Dahil yata sa matagal naming chikahan kahapon with our friends Marivic, Faye at Tet, kaya na-late ako sa kolum ko.

‘Katawa talaga ang mga blind item ni Pat-P Daza na mas marami pang chikang alam kesa sa amin nila Gorgy. Pero ang talagang tumatak sa isip ko ay ‘yung discovery tungkol kay Alex Gonzaga. ‘Pag wala pala ang showbiz persona ni Alex Gonzaga, isa siyang sweet at napakagalang na tao. At ‘yung pagiging caring niya na ipinadama kay Shalala nang maysakit ito.

Maging ako ay nagulat sa tulong ng Gonzaga family, kay Mommy Pinty sa pamamagitan ni Jun Lalin, ‘yung magalang na pagtawag ni Alex nang i-clear niya ang isang issue na sinulat ko, ‘yung sweetness ni Toni Gonzaga.

Kaya masasabi ko na kung anuman ang ginagawa ni Alex na ipinakikita niya as showbiz celebrity, iba sa talagang Alex Gonzaga the private person. At least na-clear sa grupo natin ang tunay na Alex Gonzaga. Kaya nga ako dahil mabait si Mommy Pinty, sweet si Toni, at magalang si Alex Gonzaga, love ko ang Gonzaga family.

Basta kung anuman ‘yung sinasabi nila na mga ‘kagagahan’ ni Alex, ok lang, huwag nating seryosohin. Sabi nga ni Benjie Paras huwag masyadong sensitive sa mga joke, take it as a joke, tawanan lang.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with