Unbreak…, makasaysayan!

Sa kabila ng sobrang lamig (dahil winter pa) sa Switzerland kung saan ang shooting ng maituturing na breakthrough project ng ABS-CBN, GMA at ang streaming app na Viu Philippines, ang series na Unbreak My Heart, tuluy-tuloy ang shooting or taping ng bumubuo ng cast na pinangungunahan nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Joshua Garcia, at Gabbi Garcia mula sa magkatulong na pamamahala nina Emmanuel Paolo at Dolly Dulu.  The series is being line produced by Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Deo Endrinal.

Bukod sa apat na leads, kasama rin sa cast ng Unbreak My Heart sina Jeremiah Lisbo, Sunshine Cruz, Eula Valdez, Victor Neri, Gardo Versoza, Dione Monsanto, PJ Endrinal, Mark Rivera, Maey Bautista, Will Ashley, Bianca de Vera, Nikki Valdez, at  Laurice Guillen.

Ang nasabing serye na maituturing na isang makasaysayan dahil walang mag-aakalang magsasa­nib-puwersa ang ABS-CBN at GMA para sa isang major project na nakatakdang ipalabas ng GMA sa Pilipinas at 15 territories sa iba’t ibang bansa.

Masaya sina Jodi at Richard dahil magsisilbi nila itong reunion project matapos pumaimbulog ang kanilang kasikatan bilang tambalan nang gawin nila in 2012 ang hit morning TV series na Be Careful with My Heart na tumagal sa ere sa loob ng dalawang taon.

First time naman nina Joshua at Gabbi na magkatrabaho sa isang serye.

Sina Jodi at Joshua ay mula sa Kapamilya habang sina Richard (na dating Kapamilya) ay isa nang Kapuso along with Gabbi.

Ang Unbreak My Heart ay nakatakdang ipalabas sa loob ng taong ito although hindi pa sila nagbibigay ng detalye kung kailan this year pero ngayon pa lamang ay marami na ang nag-aabang lalupa’t ang Dreamscape Entertainment ang on top of the production.

Dolly, lumutang sa alon-inspired gown na gawa ni Rajo Laurel!

Nakakatuwang panoorin ang veteran actress na si Dolly de Leon sa recent awards night ng British Academy of Film and Television Awards (BAFTA) kung saan siya nominado as Best Supporting Actress for her sterling performance sa pelikulang Triangle of Sadness, isang satirical black comedy and her first international film na pinagbidahan nina Harris Dickinson, Charlbi Dean at iba pa mula sa direksyon ng Swedish director na si Ruben Ostlund.

Stand-out na maituturing si Dolly dahil sa kanyang Asian look maging ang kanyang kakaibang gown na gawa ng pamosong fashion designer na si Rajo Laurel na tinawag niyang alon-inspired.

Hindi man nasungkit ni Dolly ang parangal, gumawa pa rin siya ng kasaysayan dahil siya ang kauna-unahang Filipino actor na na-nominate bilang Best Supporting Actress and for any other category sa BAFTA awards at nakipag-hobnobbing siya sa iba’t ibang luminaries sa industriya bukod sa nominees. Dumalo rin sa nasabing gabi ng parangal sina Prince William, Prince of Wales and next to the British throne at misis nitong si Kate Middleton, Duchess of Cambridge.

Kahit maliit lamang si Dolly, she was so proud of her nomination dahil ito umano ang nagbukas ng pintuan para sa iba niyang co-Filipino actors sa hinaharap.

MOM, pinaghahandaan na ang part 3?!

Halos simultaneous ang pagpapalabas ng pelikulang Martyr or Murderer, isang family drama movie ng Marcoses sa Pilipinas kasabay ng worldwide release nito on March 1, 2023.

Produced by Viva Films at sequel sa hit movie na Maid in Malacañang, ang Martyr or Murderer ay muling tinatampukan nina Cesar Montano na siyang gumaganap sa dating Pangulong Ferdinand Marcos, Ruffa Gutierrez as the former First Lady Imelda Romuadez-Marcos, Cristine Reyes bilang si Sen. Imee Marcos, Diego Loyzaga (as the young Bongbong Marcos) at iba pa.

Although ipapalabas pa lamang ang pelikula, nag-iisip na ng part 3 nito.

During the second grand presscon ng Martyr or Murderer na ginanap sa Las Casas in Roosevelt (now Fernando Poe, Jr. Street in  Quezon City, dumalo rin si Sen. Imee Marcos na siyang source ng kuwento ng pelikula. Naroon din ang big boss ng Viva Group of Companies na si Boss Vic del Rosario kasama ang dalawa sa kanyang apat na anak na sina Vincent at Valerie del Rosario.

Show comments