Ronnie, inaming nakarma sa panloloko kay Loisa   

Loisa

Inamin ni Ronnie Alonte na ilang beses na siyang nahuli ni Loisa Andalio na nambababae.

Sa guesting ng tambalang LoiNie sa Magandang Buhay napag-usapan nga ang tungkol sa pagiging unfaithful, cheating at ang pagkaka-link noon ni Ronnie sa ilang female celebrities.

“Alam niya. Nahuli niya ako. So naramdaman ko ‘yung feeling kung gaano kasakit yung ganu’ng pakiramdam,” pag-amin ni Ronnie.

Tungkol naman sa female stars na na-link sa kanya noong hindi pa nila inaamin ni Loisa ang kanilang relasyon, inamin din ni Ronnie na may pagkakamali rin siya.

“Sa totoo lang, aaminin ko, mali ako. Kasi ‘yung mga nakatrabaho ko dati at ‘yung mga nakasama ko dati, hindi ko nilinaw sa kanila at hindi ko sinabi sa kanila na kami ni Loisa. Tinago ko rin sa mga naging ka-partner ko,” sey ng aktor.

Isa pang inamin ni Ronnie ay kung gaano kasakit sa kanya ang paghihiwalay nila ni Loisa.

“Sobrang sakit pala nu’ng feeling na ganu’n. Parang mga halos isang linggo, dalawang linggo, nawala ako talaga.

“Lumabas ako with tropa and friends para maalis sa utak ko ‘yung nangyari. Pero na-realize ko din sa dulo na baka karma lang din ito kasi.

“Pero na-realize ko lang sa dulo na baka karma lang din ‘to. Tinake ko ‘yun as karma kasi ang dami kong kasalanan sa kanya before pa mangyari ‘yun,” lahad niya.

Ngayon ay hundred percent sure na raw siya kay Loisa.

“Hindi man kami pa ikasal, alam kong dadating at dadating din doon. Kasi sigurado na ako eh. Sigurado na ako sa kanya,” anang aktor.

Show comments