^

Pang Movies

Ruffa at Gary, nanawagan ng dasal para sa mga nilindol

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Ruffa at Gary, nanawagan ng dasal para sa mga nilindol
Gary

Kapwa humingi ng dasal sina Ruffa Gutierrez at Gary Valenciano sa mga biktima ng malakas na lindol na tumama sa bansang Turkey nitong nakaraang mga araw.

Of course, malapit sa puso ni Ruffa ang bansang Turkey dahil naninirahan siya roon nang mapangsawa si Yilmaz Bektas at nandoon ang ex-in-laws niya at mga kaibigan.

Sa Instagram account ni Gary inilabas ang malasakit sa biktima sa Turkey lalo na’t inalala niya ang nangyaring lindol sa Baguio at nung personal niyang nakita ang nabiktima nang mamahagi siya ng relief goods sa Agoo, La Union.

Bahagi ng caption ni Gary, “You may not be able to donate anything but a prayer will help enable God in ways we can’t. All their lives have been shattered. God bless the people of Turkey. My prayers are with you at this time.”

Panalangin para sa tao sa Turkey lalo na sa mga kababayan nating naninirahan doon!

Nora, magpapaka-nanay kay Alfred

Pangarap ni Konsehal Afred Vargas na makasama sa pelikula si Nora Aunor at nagkaroon ito ng katotohanan sa movie nilang Pieta.

Bale comeback movie ito ni Ate Guy matapos ang pabalik-balik niya sa ospital.

Lalabas na mag-ina sina Nora at Alfred ayon sa reports at bulag si Ate Guy.

Sa title na Pieta, naalala naming ang dating movie na La Pieta na ginawa noon nia Vivian Velez at Ace Vergel. May temang religious kapag nababanggit ang Pieta.

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with