^

Pang Movies

Willie, sinumbatan ang mga tinulungan?!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Willie, sinumbatan ang mga tinulungan?!           
Willie

Sinu-sino nga ba ang sinasabi ni Willie Revillame na mga artistang tinulungan niya at pinagbibigyan ng isang milyon na hindi man lang nagpasalamat? Sino ang artistang binigyan niya ng condo unit at isang kotse? Sino iyong movie reporter na binigyan niya ng singkwenta mil noong kumandidatong konsehal? Sino ang mga reporter na tumanggap sa kanya ng ayudang P10K isang buwan sa loob ng dalawang taong noong pandemya. Na sinasabi niyang ngayon ay mukhang nagsasaya pa at ipinamamalitang titigil na ang kanyang show at bagsak na sila?

Pero kagaya nga ng sinabi namin noong isang araw pa, ang problema ng ALLTV kaya bagsak ang ratings ay hindi dahil sa kanilang mga programa, ang problema nila ay technical.

Nakabili sila ng isang lumang analog transmitter na ginagamit nila dahil dito naman sa Pilipinas ay analog pa ang karamihan ng TV. Ang problema, hindi mo naman aasahan ang ratings na ang gamit mo ay single transmitter lang. Sa NCR lang may signal ang ganyan. Hindi aabot sa mga probinsiya, papaano ka magkakaroon ng ratings? Dinadala nga sila, pero hindi ng lahat ng cable providers. Wala rin naman sila sa mga digital box na ipinagbibili ng mga kalaban nilang networks. Talagang mahirap silang mapanood.

Hindi naman nag-react nang ganyan sina Ciara Sotto, Mariel Rodriguez at si Ruffa Gutierrez. Hindi naman kasi sila binabanatan nawalan man ng show pansamantala. Hindi na rin kumikibo si Toni Gonzaga, tutal nasanay na nga siguro siyang banatan dahil sa pagbagsak ng kanyang pelikula noong festival at controversy noong concert niya.

Si Willie kasi identified talaga sa ALLTV, kaya’t siya ang binabagsakan ng lahat ng banat, pero sino nga ba ang sinasabi niyang mga walang utang na loob na tinulungan niya?

Isko, pinakikialaman ang tinatanggap na trabaho        

Artista naman talaga si Isko Moreno bago siya naging isang pulitiko. Kung sabihin nga nila madaling nanalo si Isko noon bilang konsehal ng Maynila dahil sikat na siya bilang isang artista. Kaya nga ok lang siguro kung pagkatapos niya sa pulitika ay balikan niya ang kanyang pagiging artista. At ano naman ang pakialam nila kung ano man ang tanggapin niyang role bilang isang actor?

May inialok sa kanyang role, hindi na naman siya pulitiko, artista siya. Kung sa tingin niya ay maganda ito at magagampanan niya nang maayos, ano pa ang dahilan para pakialaman siya ng iba. Bakit kailangang diktahan si Isko kung ano ang role na puwede niyang gawin o hindi? Ano kayo Diyos?

Kung ang Diyos nga nagbigay sa tao ng “free will” iyan pa bang mga pulitikong pulpol ang dapat na magdikta sa tao kung ano dapat ang buhay at paniwalaan nila?

Dating sexy star, mas piniling magbagoong kesa magbilad

Dinidikdik nila ang isang dating sexy female star na nagtitinda raw ng bagoong sa isang talipapa sa Novaliches. Bakit masama ba ang magtinda ng bagoong? Marangal na trabaho iyan. Kung kami ang tatanungin, mas marangal na trabaho ang magtinda ng bagoong kaysa sa magbilad ng katawan sa mga mahahalay na pelikula.

At saka bakit, eh kung si Nora Aunor nga eh, national artist pa, nagtitinda ng tuyo at tinapa, eh ano nga ba ang pakialam ninyo?

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with