^

Pang Movies

Ate Guy ‘di pinaniniwalaan ang pagre-retire!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi kami basta maniniwala sa sinasabing magre-retire na si Nora Aunor. Parang mahirap paniwalaan na basta na lang siya tatalikod sa kanyang propesyon, bagama’t sinasabi ng ilang observers na kung titingnang mabuti ang kalagayan niya at ang kanyang kalusugan, baka nga kailangan niyang magpahinga.

Hindi naman siguro tuwirang retirement, maaari pa ring lumabas siya paminsan-minsan, pero sana iyong gagawin na lang niyang mga proyekto ay iyong mahalaga talaga at tatatak sa publiko, hindi kagaya ng mga ginawa niyang indie na wala namang kinahinatnan at hindi kumita.

Hindi mo masisisi si Nora. Hindi kikita ang kahit na anong pelikula kung ang fans lang ang aasahan. Ilan na lang ba ‘yang fans? Ang kailangan ay ang suporta ng publiko. Papaano mo naman aasahan na magbabayad ng 370 pesos ang isang tao sa pelikula na alam niyang binarat ang pagkakagawa, kung may mga malalaking pelikulang Ingles na mas maganda at ganoon din ang ibabayad nila?

Sa hirap ng buhay ngayon, maski kami hindi magtatapon ng pera sa indie. Doon sa 370, makakabili ka na ng kalahating kilong sibuyas, isang kilong asukal, at mga dalawang kilong bigas.

Ano ang uunahin mong bilhin?

Si Nora naman siguro kahit na papaano may naitabing pera. Ngayon ay may negosyo pa siyang nakaboteng tuyo at tinapa. Hindi na nga siguro siya kailangang maghabol pa ng pelikula o TV show.

Inaamin din naman niya minsan ay nahihirapan na siyang huminga dahil sa kanyang karamdaman.

Kung titingnan mo rin si Nora, wala na siya sa porma dahil may edad na rin naman talaga.

Dapat talaga sa kanya easy-easy na lang ang buhay niya ngayon.

Toni wasak na naman sa netizens!

Kawawa naman si Toni Gonzaga dahil pinuputakti na naman siya ng mga bashers dahil hindi nga nag-rate at walang commercials na pumasok sa kanyang programa sa telebisyon.

Kung sabihin ng mga kritiko niya, flop siya sa pelikula, flop pa rin sa TV. Iyong concert naman niya hindi namin malaman talaga.

Ang isang itatanong namin diyan, gaano ba kalakas ang signal ng AllTV? Hindi naman yata naka-full power ang nakuha nilang dating transmitter ng ABS-CBN. Isa pa, kahit na full power pa iyon, hanggang Metro Manila lang iyon. Baka sa ibang parte ng Bulacan umaabot pa, pero tanungin ninyo ang mga kaibigan ninyo sa Pampanga halimbawa kung napapanood nila iyang AllTV.

Hindi na abot ng signal nila iyon. Papaano ka papasukan ng commercials kung maliit lang naman ang naaabot ng signal mo?

Isa pa, iyong show ni Toni nasa blog channel din niya, doon na lang nila ipasok ang ads nila mas mura pa.

Tama rin naman ang desisyon ng AllTV, tumigil muna sila. Ano sila magtatapon ng pera? Ayusin muna nila ang signal, siguruhing mapapanood sila sa malaking bahagi ng Pilipinas at kung mang­yayari iyon, papasok na ang commercials.

 Pero hindi kami naniniwalang makaka-resbak iyan sa Abril gaya nang sinasabi nila. Kaya ba nilang itayo ang lahat ng kailangan nilang facilities lalo na sa mga probinsiya sa loob ng dalawang buwan?

Matitiyak ba nilang darating lahat ng kanilang mga kailangang transmitters para sa kanilang provincial relay? At saka ang transmitter itinotono pa iyan.

Kung ayos na ang signal nila, at saka nila sukatin ang lakas ni Toni. Kung hindi, masasabi ngang tsismis lang ang kanyang pagiging “most influential endorser.”

Aktor, pinatos ang sibuyas nang magpahada sa bading

Na-disappoint daw ang isang bagets, dahil matapos siyang pumayag na mai-take home ng isang talent manager kuno, ang ibinigay sa kanyang datung ay malayung-malayo sa kanyang inaasahang halaga.

Nagreklamo daw si bagets sa bading. Pero sinabi ng bading na wala na siyang pera.

Nakakita ang bagets ng kalahating sakong sibuyas sa bahay ng bading. Ang ginawa noon, tinangay na lang niya ang sibuyas. Ang dami kong tawa doon, 72 yata.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with