^

Pang Movies

Eich Abando, tagumpay ang debut concert

Dianne Canlas - Pang-masa
Eich Abando, tagumpay ang debut concert

MANILA, Philippines — Nagpapasalamat si Eich Abando sa noontime program na It’s Showtime kung saan siya naging five-time defending champion sa Tawag ng Tanghalan. Ito ang naging daan para makilala siya at nagbigay ng break sa kanyang singing career.

 “I really cherished Tawag ng Tanghalan because the contest gave me the break in my singing career,” ayon kay Eich. “Tawag ng Tanghalan unlocked my new level and improved my style.”

Siya ang may hawak ng record na may pinakamataas na score sa lahat ng contestants ng sixth season ng noontime show sa rendition nito ng mga sikat na kanta na naging viral sa social media.

Naglabas siya ng Pamaskong debut single noong December na may titulong Ngayong Pasko sa ilalim ng Curve Entertainment. Tatlong taon na ang nakalipas nang isinulat niya ang kantang ito. Tampok dito ang label-mate na si Duff Uno ng Kawago fame na napapakinggan sa lahat ng digital streaming platforms sa buong mundo.

Meron pang ibang kanta na naisulat si Eich na hindi pa niya nailalabas gaya ng I Miss You, Nasaan Ka Na, Ikaw ang Forever Ko at There’s No Easy Way.

Nakapagsulat din siya ng mga kanta para sa mga teleserye at pelikula gaya ng Ang Probinsyano (ABS-CBN), Chuno: The Slave Hunter (GMA), Jack Em Popoy (movie), 3pol Trobol Huli Ka Balbon at iba pa.

Bago pa man siya sumali ng TNT, nakagawa na siya ng pangalan bilang singer-songwriter at nakatanggap ng Saludo Excellence Award bilang best musical director ng taong 2022.

Ang director It’s Showtime na si Alvin Caravejo ang nagpakilala sa kanya sa Curve Entertainment CEO na si Narciso Chan na nagpapirma sa kanya ng recording contract.

Samantala, ang kanyang ama na The Boyfriends lead singer na si Joey Abando ang nakaimpluwensya sa kanya na kumanta noong pitong taong gulang pa lamang siya. Kaya naman pinagsumikapan talaga niyang maging singer-songwriter, music producer, voice coach at sound engineer.

“My family, they really pushed me to show people my singing style especially on national television. They supported me every step of the way,” sabi nito.

Kahapon, Feb. 4, ginanap ang debut concert nito na may titulong Ako Naman sa Valenzuela People’s Park Ampitheater. Kinanta nito ang mga orihinal niyang kanta at mga sikat niyang cover na pinerform niya sa TV.

vuukle comment

IT’S SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with