MavLine, enjoy sa first day ng Zero Kilometers Away

MavLine

MANILA, Philippines — Nagpakilig ng kanilang fans ang Sparkle sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa mga photo at video clips ng dalawa sa set ng Zero Kilometers Away.

Good vibes ang dala ng MavLine na nagsimula nang magtaping para sa nasabing digital series under GMA Public Affairs. Makikitang komportable na nga ang dalawa sa isa’t isa kaya naman natural ang kilig na mapi-feel sa kanila.

Gagampanan nina Mavy at Kyline sina Ardi at Gwen, matalik na magkaibigan na parehong gumagamit ng iba’t ibang dating apps.

“I’m very excited kasi ang daming makaka-relate sa series na ito,” say ni Mavy sa isang interview.

Ano nga ba ang dapat abangan sa kanilang digital series?

“Paasa moments. Magiging sila na ba? Or paasa in a way na sana naman maging sila na, or lalayo ba ‘to? Lalayo ba siya? May mami-meet ba siya? Magiging sila ba nung mami-meet niya?” patikim ni Kyline.

Show comments